May, 2024 - CUHK MDW

What are you looking for ?

Give Care to Caregivers Service Fair (May 26, 2024)

Napakasaya naming sumali sa Mission For Migrant Workers’ Give Care to our Caregivers service fair para sa mga migrant domestic workers noong May 26!😄 Nagsagawa kami ng well-being checks para sa mga bumisita sa aming booth para malaman nila kung kamusta ang kanilang mood recently. Binigyan namin sila ng ligtas at non-judgmental na lugar para maglabas ng nararamdaman at kamustahin sila.

Kung stressed ka ngayon o kailangan mo lang ng kausap nang anonymous, mangyaring mag-send sa amin ng mensahe sa whatsapp sa 91613074 ❤️

 

Mental Health at Self-Care Talk sa Indonesian Consulate (May 14, 2024)

Noong May 14, nagkaroon kami ng pagkakataong magbahagi tungkol sa mental wellness para sa mga bagong dating na Indonesian domestic workers sa KJRI HK o Consulate General of the Republic of Indonesia HK. Mga 150 na kalahok ang natuto tungkol sa mental health at mga nakakatulong na tips para ma-manage ang stress. Nagpapasalamat kami sa pagkakataong ito at sana magpatuloy pa ang pagsali ng mga Indonesian na kalahok sa aming mga activity at serbisyo.

Dream Catcher Training 4th Round Graduation Ceremony (May 12, 2024)

Noong May 12, isinagawa ang graduation ceremony para sa ika-apat na round ng Dream Catcher Training Programme 🎉😄 Hanga kami sa lahat ng aming mga nagtapos na nakakumpleto ng mga kurso tungkol sa Peer Leadership, Karapatan ng mga Domestic Workers, Arts for Wellness, Mental Health & Self-Care, Caregiving, at Digital Literacy!

Maraming salamat sa aming mga trainers at partners kabilang ang Christian Action 基督教勵行會, Be Priceless, at ang aming guest na si Ms. Remilyne mula sa Philippine Overseas Workers Welfare Administration. Ang training programme na ito ay suportado ng Mental Health Initiatives Funding Scheme Phase 2 by Health Bureau HKSAR.

DIY Flower Crafts Workshop (May 12, 2024)

Kahapon nang umaga, sinimulan namin ang aming😍 Mothers’ Day celebration sa aming DIY flower crafts making workshop kasama si Gigi Craft! Gumawa lahat ng mga rosas 🌹 at cherry blossoms🌸. Kahit na malayo man tayo sa ating mga pamilya, kasama naman natin ang ating supportive na mga kaibigan😄 para mag-celebrate!

Salamat din sa lahat ng mga trainers mula sa Kasambuhay Hong Kong Foundation na tumulong kahapon! ❤️ Lahat ay nag-enjoy at natuto!

chat chat