Empowering My Goals and Dreams (Sep. 15, 2024) - CUHK MDW

What are you looking for ?

Empowering My Goals and Dreams (Sep. 15, 2024)

Bakit hindi kaya nating gawing malikhain ang ating goal setting at pag-iisip ng ating kinabukasan? πŸ‘©β€πŸŽ¨ Kahapon, sumali ang aming mga kalahok sa activity na tinawatawag na Tree of Life 🌳 upang suriin kung saan tayo nanggaling, kung nasaan tayo ngayon, at kung saan natin gustong makarating sa hinaharap. Ito ay isang nakaka-empower na workshop πŸ’ͺ dahil nakikita natin sa isang larawan ang ating mga pinagdaanan at kung paano ito nagpalago ng ating mga kasanayan at mga values upang tulungan tayong abutin ang ating mga pangarap. Kinikilala rin natin ang mga taong may malaking impluwensya sa ating buhay at kung anong pamana ang nais nating maiwan. Higit sa lahat, ang paggawa ng aktibidad na ito nang magkakasama ay nag-udyok sa aming mga kalahok na suportahan ang isa’t isa habang tayo ay nagtatrabaho abroad.

 

Salamat EmpowerU sa pag-imbita sa amin muli ngayong term! At shout out sa lahat ng aming kamangha-manghang mga kalahok 😍.

chat chat