Maraming migranteng domestic worker ang nagbahagi na ang mga tao sa kanilang bansang kinalakhan ay may hindi makatotohanang ideya kung ano ang Hong Kong, hal., lahat ay maaaring mamuhay nang kumportable at marangya sa Hong Kong. Ito ay maaaring humantong sa hindi makatotohanang mga inaasahan tungkol sa iyong pinansiyal na sitwasyon o mga kondisyon ng pamumuhay, hal., maaaring asahan ng iyong pamilya na magpapadala ka sa kanila ng mas maraming pera o materyales kaysa sa iyong makakaya, kaya maaaring magkaroon ng mga salungatan.
Ngunit ang pagkakaroon ng sapat na pera para sa iyong sarili ay mahalaga, lalo na kapag ikaw ay nakatira sa ibang bansa, ngunit ang iyong pamilya ay tila hindi “nakukuha ito”. O ang iyong pamilya ay maaaring hindi pamilyar sa mga paghihirap ng pagtatrabaho sa ibang bansa. Bukod sa pagkawala ng iyong orihinal na social support network, ang pagtira kasama ng amo mo ay maaaring mahirap na sitwasyon, lalo na kung hindi kayo magkasundo. Kung ang iyong pamilya ay hindi maibigay ang emosyonal na suporta na kailangan mo, ang pagtatrabaho sa Hong Kong ay maaaring maging mas mahirap.
Mahalaga ang komunikasyon dahil nakakatulong itong magbigay ng plataporma para maibahagi mo ang iyong karanasan at mga hamon sa iyong pamilya, para mas maunawaan nila kung ano ang iyong pinagdadaanan.