Kayanin ang mga pagsubok kasama ang komunidad - CUHK MDW

What are you looking for ?

Kayanin ang mga pagsubok kasama ang komunidad

Ang social support ng iyong pamilya at mga kaibigan ay napakahalaga para sa iyong mental health. Ang pagkakaron ng kasama at pagkakaron ng taong makakausap ay makakatulong lalo na kapag nababagabag ka. Mas mabuting makipag-usap sa iba kaysa di pansinin o itago ang iyong nararamdaman.

Maglibang kasama ang iyong mga kaibigan

Mabuting paraan ng pagbo-bonding at pagbuo ng mga bagong barkada ang paggawa ng mga hobby o libangan. Halimbawa, maraming pumupunta sa mga parke at dagat o namumundok dito sa Hong Kong. Bukod sa ehersisyo, mabuti rin para sa ating mental health ang pagpunta sa kalikasan. Ang mga malilikhaing gawain katulad ng pag-drawing, pagsulat, pagsayaw, atbp. ay makakatulong pang-relax at para mailabas ang mga emosyon mo. Ang pagsubok din ng mga bagong libangan ay makakatulong para dumami ang iyong kaalaman.

Sumali sa mga makabuluhang community work

Ang pag-volunteer sa komunidad ay isang mabuting paraan ng pakikisama sa bagong bansa. Maraming mga NGO na tumutulong sa mga OFW na nangangailangan ng mga volunteer. Mabuti ito para sa mga matagal na sa Hong Kong at nais tumulong sa kapwa nilang OFW.

Humingi ng tulong mula sa mga ahensiya ng gobyerno, NGO, at ibang mga grupo

Kapag kailangan mo ng tulong, lumapit sa mga ahensiya ng gobyerno, NGO, at ibang mga grupo. Tinutulungan nila ang mga OFW na may problemang legal at pinansyal, problema ukol sa kundisyon ng trabaho, pati na rin social support. Bantayan mo ang kanilang mga website o social media page para malaman ang kanilang mga kaganapan, pagdiriwang ng mga holiday, pati na rin mga training na baka gusto mong salihan.

chat chat