Ano ang Schizophrenia? - CUHK MDW

What are you looking for ?

Schizophrenia

Ang Schizophrenia ay isang seryosong mental illness kung saan ang tao na naapekto ay nakakakita ng realidad sa isang abnormal na paraan at nawawalan sa katotohanan. Sila ay naapektuhan sa emosyonal, pag-iisip at pag-uugali at ito ay maaring magpahirap sa kanilang pag ugnayan sa araw araw na actibidad katulad ng pagaaral o trabaho. Unawain natin ang schizophrenia at ano ang maari nating gawin kung tayo’y may schizophrenia o may nakakakilala tayong meron.

Ang mga tanda at sintomas ng schziphrenia:

– Guni-guni: Nakakakita, nakakarinig, nakakaamoy at nakakalasa ng bagay na ang mga ibang tao ay hindi nararanasan. Ang mga karaniwang hallucinations ay ang pagkikita o paririnig ng mga bagay na hindi nandiyan.

– Delusions: Matinding paniniwala sa mga bagay na walang kauganyan sa realidad o walang rasyon. Halimba, sila ay naniniwala na nasa delikadong lugar sila at ang mga tao ay gusto sila saktan, ang TV ay nagbibigay sa kanila ng mensahe o instructions, o naniniwala na ang mga sinasabi atginagawa ng iba ay tungkol sa kanila.

– Magulong pagiisip: Ang pagiisip na walang lohika o nahihirapan iayos ang mga iniisip. Ito ay nakikita sa paghihinto sa gitna ng paguusap, pumapalit mula isang paksa sa ibang paksa bigla bigla, o sumasagot ng sagot na parisyal o walang kaugnayan sa pinaguusapan. Bihira na ang pagsasalita ay naapektohan sa paraan ng pagsasabi ng gawa gawa at walang halagang salita.

– Nahihirapan sa karaniwan na tungkulin: Kasama dito ang walang interes sa mga bagay, nahihirapan sa pagplano at paggawa ng pang araw araw na actibidad (hal. mga gawaing-bahay, pamimili), pinapabayan ang sariling kalinisan, umiiwas sa pakikiusap sa mga pag-uusap at tao, nararamdaman na hiwalay ang sarili sa kanilang emosyon (hal. naguusap ng monotone at hindi nagiiba ang emosyo sa mukha), at nahihirapan makaramdam ng saya.

– Magulo o abnormal na ugali: Kasama dito ang abnormal na pagagalaw ng katawan at nahihirapan gumawa ng bagay. Ang mga taong may schizophrenia at maaring palit ulit na gumawa ng tiyak na mosyon na walang silbi o nagkakaroon ng kataka-takang pustura. Sila din ay maaring walang interesado sa mga instruksiyon, nagiging lubos na hindi tumutugon at minsan ay may ugaling hindi mahuhulaan katulad ng pagkilos katulad ng bata o biglang nagagalit.

Ano ang sanhi ng Schizophrenia?

Ang mga tao ay nagkakaroon ng schizophrenia dahil sa iba’t ibang sanhi. Una, ito ay maaaring dahil sa trauma o napaka-stressful na karanasan (hal. abuso, pagkawala ng tirahan, nakatira sa delikadong kapaligiran) at pangalawa, ito ay maaaring dulot ng paggamit ng droga at alak. Pangatlo, kung ang tao ay may kapamilya na may schizophrenia, sila ay mas maaring magkaroon nito. Huling-huli, maaaring dahilan din ang pagkakaroon ng problema sa pagbubuo ng utak habang buntis ang kanilang ina o habang sila ay bata (hal. ang nanay ay may sakit o problema sa nutrisyon habang siya’y buntis o paggamit ng droga at alak habang sila ay bata o binata).

Nagagamot ba ang Schizophrenia?

Ang mga sintomas ng schizophrenia ay maaaring maibsan ng gamot. Kung may kakilala kang maaaring may schizophrenia, hikayatin mo silang maghanap ng propesyonal na tulong at tuluy-tuluyin ang kanilang paggagamot. Tandaan na ang kanilang mga guni-guni at delusyon ay totoo para sa kanila kaya subukan natin pagpasensyahan sila pero wag natin hayaan gumawa sila ng delikado o hindi mabuting mga gawain.

Kung ikaw ay may schizophrenia, subukan mong alagaan nang mas mabuti ang iyong sarili at gumawa ng actibidad na nakakakalma. Sa ganitong paraan, ang iyong sintomas ay maaring mabawasan. Ang pagkuha ng tulong mula sa mga propesyonal ang pinakamabilis na paraan para ma-kontrol ang iyong sintomas at makabalik sa iyong araw araw na buhay. Maaari ka ding humingi ng tulong mula sa iyong pamilya at mga kaibigan para masuportahan ka nila sa iyong paggaling.

Mga Sanggunian:

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/schizophrenia/symptoms-causes/syc-20354443

https://www.mind.org.uk/information-support/types-of-mental-health-problems/schizophrenia/treatment/

https://www.nimh.nih.gov/health/topics/schizophrenia

chat chat