Ang pag-sali sa mga peer support groups at sa komunidad ay talagang nakakatulong sa emosyonal na kalagayan ng mga migrant domestic workers.
Una ang pagsali sa online support groups. Maraming online support groups na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga migrant domestic workers. Ang mga grupong iyon ay nagbibigay ng ligtas na espasyo para makapagbahagi ng mga karanasan, humingi ng tulong, at bumuo ng mga koneksyon sa iba na pareho ang pinagdadaanan.
Pangalawa ang pagsali sa mga event sa komunidad. Ang pagpunta sa mga event na ito ay mabuting paraan para makakilala ng bagong mga tao at para makabuo ng koneksyon sa iba sa komunidad.
Pangatlo ang pag-volunteer. Kapag magboluntaryo ka sa isang lokal na organisasyon o grupo sa komunidad, makakakilala ka rin ng mga bagong kaibigan at makakabuo ng koneksyon. Bukod dito, makakapagbigay ka pabalik sa komunidad at paraan ito para makaramdam tayo ng sense of purpose.
Mahalagang tandaan na ang pagbuo ng koneksyon at paghahanap ng suporta ay hindi mabilisan. Okay lang na gawin natin ito sa ating sariling oras. Ang pinakamahalaga ay unahin natin ang ating emotional well-being at alagaan natin ang ating sarili.