Ang mga taong may Adjustment Disorder ay may napakatinding emosyonal na reaksyon dahil sa isang nakababahalang pangyayari sa kanilang buhay. Nahihirapan silang makayanan ang nangyari sa kanila at ang reaksyon nila ay exaggerated at mas matindi kaysa inaasahan na pati ang kanilang kakayahan na gumawa ng mga pang-araw-araw na gawain ay apektado. Kahit ano’ng edad ay maaaring magkaroon ng Adjustment Disorder.
Ang sanhi ng adjustment disorder
Ang mga sanhi ng stress ay maaaring isa o maramihang mga kaganapan, ngunit ang mga stressor na ito ay hindi kailangang maging mga traumatikong kaganapan. Narito ang ilang halimbawa:
– Kamatayan ng isang miyembro ng pamilya o kaibigan
– Sakit o iba pang mga isyu sa kalusugan sa kanilang sarili o sa isang mahal sa buhay
– Mga problema sa pamilya o alitan
– Mga problema sa relasyon gaya ng breakup, diborsyo, at mga isyu sa pag-aasawa
– Pangkalahatang mga pagbabago sa buhay (pagreretiro, kasal, pagkakaroon ng isang sanggol, atbp.)
– Paglipat ng bahay o ibang lungsod
– Mga hindi inaasahang sakuna o trahedya
– Mga problema sa pananalapi at mga alalahanin tungkol sa pera
– Mga isyu sa sekswalidad
– Mga isyu sa trabaho (pagkawala ng trabaho, hindi pagtupad sa mga layunin)
– Pagtira sa lugar na puno ng krimen
Mga karaniwang sintomas ng adjustment disorder
Ang adjustment disorder ay isang panandaliang kondisyon. Ang mga sintomas ay kadalasang nangyayari kaagad pagkatapos ng nakababahalang kaganapan at nagtatapos sa loob ng 6 na buwan pagkatapos. Ang mga sintomas ay sapat na malubha upang makaapekto sa trabaho o sa pakikisalamuha sa iba. Narito ang mga karaniwang sintomas:
– Pagod, ngunit hindi makatulog (insomnia)
– pananakit ng katawan, pananakit ng ulo, o pananakit ng tiyan at pangangalay
– mabilis na pagtibok ng puso
– pinagpapawisan ang mga kamay o nanginginig
– pagiging suwail, mapanira, walang ingat o mapusok
– pagiging balisa, pakiramdam na nakulong, walang pag-asa
– nalulula at na-iistress
– hirap mag-concentrate
– umiiyak, nalulungkot o nawawalan ng pag-asa, at posibleng lumalayo sa ibang tao
– kulang sa enerhiya o sigasig; pagkawala ng pagpapahalaga sa sarili
– Kawalan ng interes sa pang-araw-araw na gawain
– mga pagbabago sa mga gawi sa pagkain
– pag-abuso sa alak o droga
– pananakit ng sarili o pag-iisip ng pagpapakamatay
Paano ko makakayanan ang adjustment disorder?
Kung ikaw ay na-diagnose na may adjustment disorder, maraming paraan upang maibsan ang iyong mga sintomas at tulungan kang makabalik sa pang-araw-araw mong mga gawain katulad nang dati.
Una, maaari mong pagbutihin ang iyong mga sintomas sa pamamagitan ng pagbibigay-priyoridad sa pangangalaga sa sarili sa tulong at paghihikayat ng iyong pamilya at mga kaibigan. Kasama na dito ang pangangalaga sa iyong pisikal na kalusugan at kalinisan tulad ng pagpapanatili nang malusog na mga gawi (pagtulog at pagkain sa tamang oras, at pag-eehersisyo) at pag-iwas sa alak at droga. Ang paggawa ng routine o pang-araw-araw na gawain ay makakatulong sa iyo na makayanan at mag-adjust sa mga pagbabago sa iyong buhay. Kasama din sa pangangalaga sa sarili ang pagiging mindful o pag-popokus sa kasalukuyan sa halip na patuloy na pag-iisip tungkol sa problema. Maaari mong subukang maglakad-lakad, mag-stretching, mga libangan (musika, pagluluto, pagguhit, pagbabasa, panonood ng pelikula). Ang mga aktibidad na ito ay hindi lamang masaya o nakaka-distract ngunit nakakatulong din ito sa mawala ang iyong stress o pagkalumbay.
Pangalawa, maaari kang makakuha ng suporta mula sa mga grupo tungkol sa self-help o mga organisasyon sa komunidad at matutulang ka nilang makabalik sa mga aktibidad na marami kang nakakasalamuha. Maaari ka ring maghanap ng mga propesyonal sa mental health na kayang magpayo o makipag-usap sa iyo upang matulungan kang maibsan ang mga sintomas mo.