News - CUHK MDW - Page 2

What are you looking for ?

Daan tungo sa Kapanatagan ng loob Art Exhibit Opening Ceremony (Apr. 7, 2024)

Maraming salamat sa lahat ng aming mga kaibigan at taga-suporta na dumalo sa aming Path to Well-being Exhibit Opening at Awarding Ceremony kahapon! 🤩Sana ang exhibit na ito ay hindi lamang maging pagdiriwang ng mga talento ng mga malilikhaing migrant domestic workers kundi maging paraan din ito para magkaroon ng kaalaman ang publiko tungkol sa mental health at para maging bukas tayo sa paghingi ng tulong kung kailanganin natin🥰.

Araw-araw bukas ang exhibit hanggang April 21 kaya mangyari lamang bisitahin ang G/F of The Center at 99 Queen’s Rd Central (malapit sa Sheung Wan MTR Exit E1). Kung gusto ninyong malaman ang tungkol sa kumpetisyon at exhibit o makita ang lahat ng mga entry sa kumpetisyon, pumunta sa aming website.

Higit sa lahat, gusto namng magpasalamat sa mga miyembro ng aming grupo, mga tumutulong na estudyante, mga nagboluntaryo, at mga partner namin na tumulong sa amin dito sa kumpetisyon, exhibit, at higit pa! ❤️ Maraming salamat sa Mental Health Initiatives Funding Scheme Phase II of Health Bureau, sa Faculty of Social Work of CUHK, Urban Renewal Authority, H6 CONET, Consulate General of Republic of Indonesia, Philippine Consulate General, Guhit Kulay, Mission For Migrant Workers, PathFinders for Migrant Workers, Enrich HK, EmpowerU, Mind HK, Peduli Kasih HK, HelpBridge, Migrant Writers of Hong Kong, Filipino Nurses Association Hong Kong, Social Justice for Migrant Workers, Domestic Workers Corner HONG KONG, Horizons, SAT Saung Angklung & Tari, Kobumi, at sa lahat ng aming taga-suporta.

Yoga at Pagtula sa Park! (Mar. 10, 2024)

Noong Linggo, nagkaroon kami ng napaka-refreshing na umaga salamat sa yoga🧘‍♀️ at pagtula📝! Self-care ay hindi lamang pangangalaga sa ating pisikal na katawan kundi kasama rin ang ating emosyon at pag-iisip. Sana magkita-kita tayong mula sa susunod na mga activity! Maraming salamat kay Maria Nemy mula sa Migrant Writers of Hong Kong at kay Merly 🥰

Ink Painting for Relaxation (Feb. 18, 2024)

Noong Linggo, nag-enjoy kami sa pagsubok ng ink painting! 🖌 Ang pagpinta ay isang paraan para ma-relax at maglaro habang inilalabas ang ating imahinasyon at mga emosyon 💖 Natutunan namin na walang tama o maling paraan ng pagpapahayag ng emosyon kasi lahat tayo ay may natatanging paraan😁 Maraming salamat kay Joy, ang aming facilitator at sa Mental Health Initiatives Funding Scheme Phase 2 para sa activity!

Path to Wealth & Wellness (Jan. 28 & Feb. 4, 2024)

😁 Kahapon, ginawa ang aming Path to Wealth and Wellness event kasama ang Enrich HK! Ang mga kalahok mula sa Philippines at Indonesia ay natutunan kung paano i-handle ang kanilang pera 💵 para makamit ang kanilang goals at kung paano mag-cope 🧘‍♀️ sa harap ng stress at pagkabigo. Napakahalaga ng mga life skills na ito para matulungan tayong lahat umunlad at magtagumpay! 🌟 I-follow lamang ang aming Facebook page para sa mga update tungkol sa aming susunod na mga LIBRENG activities at trainings para sa migrant domestic workers! ❤️

Yoga for Relaxation (Dec. 3, 2023)

Hanga kami sa inyong mga malalakas na mga babae!!! 🧘‍♀️ Palaging mahalaga gumawa ng self-care para ma-relax ang ating isip at katawan. Salamat sa lahat ng dumalo kahapon nang umaga! Nagpapasalamit din kami kay Ms. Merly Garcia para sa pagturo at pagbahagi ng kaniyang positive energy sa lahat ng aming mga kalahok! ❤️ Kung gusto ninyong maging updated sa aming mga susunod na activity para makasali sa susunod, i-follow ang aming Facebook Page!

Practicing Emotional Self-Management (Nov. 12, 2023)

Noong Linggo, ginawa namin ang aming Practicing Emotional Self-Management workshop kasama si Rodelia M. Pedro at Domestic Workers Corner HONG KONG 🥰 Mahalagang maintindihan natin ano nga ba ang stress, anxiety, at depression para maka-practice tayo ng mga healthy ways to cope 💪 Minsan mahirap harapin ang mga emosyon na ito pero tandaan na palaging may pag-asa! Kung ikaw o iyong kakilala ay stressed at kailangan ng kausap, mag-send ng mensahe sa aming Whatsapp Hotline sa 91613074. Nandito kami para sa iyo.❤️

Dream Catcher Making (Nov. 12, 2023)

Noong Linggo, nag-enjoy kami gumawa ng mga dreamcatchers kasama si Jacklyn mula sa Guhit Kulay 🥰 Napakagandang paalala na magpursige para sa ating mga pangarap at hindi pa huli para mangarap!

Photography for Wellbeing (Sep. 10,2023)

Ngayon ginawa ang aming Photography for Well-being workshop kung saan ang aming mga kaibigan ay natuto ng mga tips at tricks sa paggamit ng ating mobile phones para magkwento gamit ang mga litrato 🥰 Hindi lamang mga record ang mga litrato kundi, puno sila ng mga alaala at kwento na mula sa ating mga emosyon ❤️ Ang pagkuha ng litrato ay isang paraan para maipahayag ang ating sarili at makahanap ng kasiyahan para matulungan ang ating mental health! Salamat William para sa pagbabahagi ng iyong kaalaman at tips!

Dream Catcher Training 4th Round Graduation Ceremony (May 12, 2024)

Congratulations sa mga nakapagtapos sa ika-3 round ng Dream Catcher Training! Talagang hanga kami sa inyong tiyaga at dedikasyon sa buong programa.

Maraming salamat sa aming magagaling na trainer na gumabay at nagbigay inspirasyon sa aming mga kalahok. Ang graduation ceremony na ito ay tanda ng inyong suporta at paniniwala sa potensyal ng bawat kalahok.

Sa buong programang ito, nakita namin ang transpormasyon ng aming mga kalahok habang natututo silang pagtibayin ang kanilang loob at magpursige sa kanilang mga pangarap. Sama sama naming nadiskubre ang mga bagong paraan para makapag-recharge at magkaroon ng supportive na komunidad kung saan lahat tayo ay nagtutulungan.

Sa pagdiriwang na ito, iniimbitahan namin ang lahat na naghahanap ng personal na pagbabago at empowerment. Sa Dream Catcher Training, binibigyan namin kayo ng kaalaman, tulong, at suporta para makamit ninyo ang inyong mga pangarap.

Samahan ninyo kami para magsimula tayo sa isa pang journey tungo sa mas maunlad at matagumpay na buhay! Sabay sabay tayong magpabuti ng ating mental health, kamtin ang ating mga pangarap, at suportahan natin ang bawat isa.

Graduation Ceremony of the 3rd Round of Dream Catcher Training

Congratulations to the incredible graduates of Dream Catcher Training Round 3! We couldn’t be prouder of your hard work and dedication throughout this journey.

A heartfelt thank you to our exceptional trainers who have guided and inspired each trainee along the way. This graduation ceremony is a testament to their unwavering support and belief in the potential of every individual.

Throughout this program, we have witnessed the remarkable transformation of our trainees as they learn to harness their inner strength and chase their dreams. Together, we have discovered new ways to recharge our mental power and create a supportive community that uplifts one another.

As we celebrate this milestone, we extend an invitation to all those seeking personal growth and empowerment. Dream Catcher Training offers you the tools, resources, and unwavering support to unlock your potential and achieve your goals.

Join our community today and embark on an extraordinary journey towards living your best life. Together, let’s nurture our mental health, catch our dreams, and empower one another to reach greater heights.

chat chat