Mag-research sa internet at magtanong sa mga kakilala para malaman mo ang kultura ng bagong bansang pupuntahan mo. Subukang malaman kung paano ba ang pang-araw-araw na pamumuhay sa Hong Kong mula sa iyong ahensiya, sa iyong amo, o sa ibang mga grupo. Maaaring makatulong din ang pagtuto ng lengguwaheng magagamit mo sa iyong trabaho pati na rin sa pamumuhay mo sa Hong Kong. Pagkarating mo, kilalanin mo ang bagong lugar na ito habang nag-eenjoy! Kung kaya mo, subukan mo ang iba’t ibang mga lokal na pagkain at puntahan ang mga sikat na pasyalan. Ang maayos na paglipat at pag-adjust sa bagong bansa ay mahalaga para sa ating mental health.
Pag-aadjust sa bagong kapaligiran
Alamin ang iyong bagong bansa
Mangunswelo sa nakasanayan
Normal makaramdam ng pagiging homesick kaya makakatulong sa iyo kung ipagpapatuloy mo ang mga nakasanayan mong gawain mula sa Pilipinas. Halimbawa, ipagpatuloy mo ang iyong pagdadasal at relihiyosong mga gawain, makinig ng mga kantang nasa kinalakihan mong wika, magluto at kumain ng mga hilig mong pagkain.
Maraming OFW ang nangingibang bansa para matustusan ang kanilang pamilya. Marangal at mahirap na desisyon ito at para mapanatili ang iyong mental na kaginhawahan at para maiwasan ang sobrang stress, kailangan klaro ang ekspektasyon ninyo ng pamilya at mga kaibigan mo. Halimbawa, kailan at gaano kadalas kayo puwedeng mag-usap, gaano kadalas ka puwede magpadala ng pera, kailan ka makakauwi, at hanggang kailan bago ka bumalik ng tuluyan, atbp. Ang pagpapanatili ng mabuting relasyon sa iyong pamilya sa Pilipinas ay puwedeng maging mahirap at stressful kaya kailangan ng klarong pag-uusap.
Maghanap o gumawa ng iyong komunidad
Napakahalaga ng support system para mapanatili ang ating mental health. Makipagkaibigan ka sa parehong mga kababayan at mga lokal. Ang mga kaibigan mong kababayan ay puwedeng magbigay ng koneksyon sa ating bansa, habang ang pagkakaron ng lokal na kaibigan ay makakatulong sa pag-adjust mo dito sa Hong Kong. Atsaka kung parte ka ng grupo o barkada, magagawa mo pa ring magdiwang ng mga mahahalagang okasyon at mga piyesta sa bayan ninyo o mga piyestang parte ng iyong relihiyon kasama ang iba.