Paglilinaw ng mga Inaasahan ng Iyong Pamilya Pagdating sa Pera - CUHK MDW

What are you looking for ?

Paglilinaw ng mga Inaasahan ng Iyong Pamilya Pagdating sa Pera

13 May, 2024

Paglilinaw ng mga Inaasahan ng Iyong Pamilya Pagdating sa Pera

May kasabihan ang mga Intsik kung paano nakakasakit sa relasyon ang pag-uusap tungkol sa pera. Totoo ba iyon sa iyong kaso? Gayunpaman, kapag ang iyong pamilya ay may hindi makatotohanang inaasahan sa pananalapi mula sa iyo — tulad ng pagnanais na magpadala ka sa kanila ng mas maraming pera kaysa sa iyong makakaya – hanggang sa puntong mahirap na sa iyong pang-araw-araw, dapat mong kausapin sila tungkol sa isyung ito.

Ang pagbabadyet sa mga gastusin ay maaaring ang iyong unang hakbang para matulungan kang matukoy kung gaano magkano ang maaaring ilaan upang matugunan ang mga pangangailangan ng iyong pamilya sa loob ng iyong makakaya.

Kapag nagba-budget, dapat ay mayroon ka ring malinaw na pag-unawa sa iyong sariling mga layunin at priyoridad sa pananalapi, hal., kung ano ang gusto mong makamit sa iyong pera at kung ano ang handa mong gastusin. Ito ay kapaki-pakinabang para malinaw mong masabi ang iyong mga inaasahan sa mga miyembro ng iyong pamilya. Ang mga taong may malinaw na financial values at goals ay mas may kakayanang magkaroon ng epektibong komunikasyon sa pananalapi sa mga miyembro ng pamilya.

Maging bukas at malinaw

Kapag ibinabahagi mo ang iyong badyet sa iyong pamilya, nakakatulong din na maging bukas at malinaw. Kung sinusuportahan mo ang iyong pamilya sa pamamagitan ng pagbili ng mga grocery o pagbabayad ng kuryente, makipag-usap sa kanila kung magkano ang kaya mong i-ambag at sabihin sa kanila ang iyong sariling kapasidad. Mahusay na subukang matugunan ang mga pangangailangan ng lahat sa pamamagitan ng pagkompromiso.

Makisali sa collaborative na paggawa ng desisyon sa pananalapi

Nalaman ng isang pag-aaral na ang mga mag-asawang nakikibahagi sa collaborative na paggawa ng desisyon sa pananalapi ay may mas mataas na antas ng kasiyahan sa pananalapi at mas mababang antas ng salungatan sa pananalapi, at maihahalintulad din ito para sa iba pang mga relasyon sa pamilya.

Ang pahayag na "Ako" ay nakakatulong sa pakikipag-usap nang maayos

Upang makipag-usap nang maayos, maaari mo ring gamitin ang mga pahayag na “Ako” upang ipahayag ang iyong mga pangangailangan at damdamin sa halip na gumawa ng mga pahayag na nag-aakusa. Sa halip na sabihing “Masyado kang kumukuha ng pera mula sa akin”, subukang sabihing “Nararamdaman ko ang pag-aalala kapag labis nating ginagastos ang ating badyet.” Ang paggamit ng mga pahayag na “Ako” ay nauugnay sa mas mataas na antas ng kasiyahan sa pananalapi at mas mababang antas ng salungatan sa pananalapi sa mga romantikong relasyon.

Pagtatakda ng klarong mga hangganan

Ang pagtatakda ng klarong mga hangganan o boundary ay kasinghalaga ng pagkompromiso, lalo na kapag ang mga inaasahan ng iyong pamilya ay lumampas sa iyong makakaya, kaya nakakatulong na ipaalam ang mga hangganang ito nang malinaw at may paninindigan. Halimbawa, ang pagpapaalam sa iyong pamilya na ang iyong pera ay para sa kanilang mga gastusin lamang at ang pagpapahiram sa ibang mga kaibigan ng pamilya ay hindi pupuwede. Maging upfront sa kung ano ang maaari mong matustusan at kung hanggang saan ang maaari mong gawin para maiwasan ang pagkabaon sa utang dahil sa pagtupad sa hindi makatotohanang mga inaasahan. Ang pagtatakda ng malinaw na mga hangganan sa pananalapi ay nauugnay sa mas mataas na antas ng kasiyahan sa pananalapi at mas mababang antas ng salungatan sa pananalapi sa mga mag-asawa, at maihahalintulad din ito sa iba pang mga relasyon sa pamilya. Sa halip, maaari kang mag-alok ng kontribusyong hindi pera, tulad ng pagpapadala ng mga DIY handcraft o damit bilang regalo sa isang pagdiriwang ng pamilya.

Ang pakikipag-usap tungkol sa pera at paglilinaw ng mga inaasahan sa iyong pamilya ay mahirap, ngunit kung minsan ito ay kinakailangan. Tandaan na ang pag-aalaga sa iyong sarili sa emosyonal at pinansyal ay mahalaga din!

References
Africa’s Pocket. (n.d.). How to manage your family’s financial expectations and still achieve your personal goals. https://africaspocket.com/our-blog/how-to-manage-your-familys-financial-expectations-and-still-achieve-your-personal-goals
Archuleta, K. L., et al. (2011). Financial communication, relationship satisfaction, and financial satisfaction. Journal of Financial Therapy, 2(1), 1-21.
Britt, S. L., et al. (2016). Examining the role of financial conflict in the relationship between financial satisfaction and marital satisfaction. Journal of Financial Therapy, 7(1), 1-22.
Gudmunson, C. G., & Danes, S. M. (2011). Family financial socialization: Theory and critical review. Journal of Family and Economic Issues, 32(4), 644-667.
Papp, L. M., et al. (2013). The interplay of division of labor, spouse support, and gender on housework stress. Journal of Family Issues, 34(8), 1070-1095.

chat chat