Ang Kapangyarihan ng Mga Alagang Hayop: Paano Nakakatanggal ng Stress ang pagkakaroon ng Alagang Hayop - CUHK MDW

What are you looking for ?

Ang Kapangyarihan ng Mga Alagang Hayop: Paano Nakakatanggal ng Stress ang pagkakaroon ng Alagang Hayop

13 May, 2024

Ang mga alagang hayop ay hindi bihira sa Hong Kong, kaya malamang na ikaw o ang iyong mga kaibigan ay nakatira kasama ng isang pamilya na may hindi bababa sa isang alagang hayop. Bagaman nakakapagod ang pag-aalaga sa isang mabalahibong kaibigan, ipinapakita ng mga pag-aaral na makakatulong din ito sa pagtanggal ng stress.

 

Ang pagkakaroon ng alagang hayop ay nauugnay sa mas mababang antas ng reaktibiti ng stress

Sa isang pag-aaral ni Allen et al. (2002) natagpuan na ang pagkakaroon ng isang alagang hayop ay nauugnay sa mas mababang antas ng stress reactivity. Ang pakikipag-ugnayan sa mga hayop ay nakitang nagpapababa ng mga antas ng cortisol, na isang hormone na may kaugnayan sa stress, at nagpapababa ng presyon ng dugo — kahit na ito ay sa pamamagitan lamang ng pag-aalaga ng aso sa loob ng 15 minuto (Odendaal & Meintjes, 2003; National Institutes of Health, Kagawaran ng Kalusugan at Serbisyong Pantao ng U.S., 2018). Ang pagtaas sa mga antas ng feel-good hormone na oxytocin ay matatagpuan din (Odendaal & Meintjes, 2003). Ito ang dahilan kung bakit minsan dinadala ang mga therapy dog sa mga ospital o nursing home para makatulong na mabawasan ang stress at pagkabalisa ng mga pasyente (National Institutes of Health, U.S. Department of Health and Human Services, 2018).

Ang pagmamay-ari ng alagang hayop ay nauugnay sa mas mataas na pakikisalamuha sa iba at social support

Maliban dito, natuklasan ng mga pag-aaral na ang pagmamay-ari ng alagang hayop ay nauugnay sa pagtaas ng pakikisalamuha sa iba at social support. Maaaring mabawasan ang kalungkutan dahil sa pakikiramay o companionship ng alagang hayop at sa kanilang emosyonal na suporta (Brooks et al., 2018). Mapapabuti din ng mga alagang hayop ang iyong mood (National Institutes of Health, U.S. Department of Health and Human Services, 2018) dahil ang mga may-ari ng alagang hayop ay nag-ulat ng pagiging mas mapaglaro at spontaneous at sila rin ay nakakaranas ng higit pang pagtawa at kasiyahan sa kanilang pang-araw-araw na buhay (McConnell et al., 2011). Inulat din ng mga may-ari ng alagang hayop na mas mayroon silang purpose at mas mababa ang kanilang antas ng helplessness kaysa sa mga walang alagang hayop (Allen et al., 2002).

Anong uri ng alagang hayop ang pinakamahusay?

Maaaring nagtataka ka kung anong uri ng alagang hayop ang pinakamahusay. Sinasabi ng mga mananaliksik na walang isang sagot tungkol sa kung paano makakatulong ang isang alagang hayop sa isang tao na may partikular na kondisyon. Ipinaliwanag ni Dr. Layla Esposito mula sa Human-Animal Interaction Research Program ng National Institutes of Health na ang mga taong may layuning dagdagan ang pisikal na aktibidad ay maaaring makinabang sa pagmamay-ari ng aso dahil kailangan nilang lakarin ang aso ng ilang beses sa isang araw, at ang mga taong may layunin ay ang pagbabawas ng stress ay maaaring manatiling kalmado sa pamamagitan ng panonood ng isda na lumalangoy sa tangke nito – kaya walang isang uri na akma sa lahat (National Institutes of Health, U.S. Department of Health at Human Services, 2018).

Ang mga alagang hayop ay nagdadala ng mga bagong responsibilidad

Ang mga alagang hayop ay nagdadala rin ng mga bagong responsibilidad, ngunit maaari rin silang maging matalik na kaibigan ng tao. Malinaw kung paano tinutulungan ng mga tao ang mga alagang hayop – sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kanila, pagpapakain sa kanila, at pagtulong sa kanila sa paglilinis, ngunit sa parehong oras, ang mga alagang hayop ay nagdudulot din ng malaking kagalakan sa mga tao.

References
Allen, K. M., et al. (2002). Cardiovascular reactivity and the presence of pets, friends, and spouses: The truth about cats and dogs. Psychosomatic Medicine, 64(5), 727-739.
Brooks, H. L., et al. (2018). The power of support from companion animals for people living with mental health problems: A systematic review and narrative synthesis of the evidence. BMC Psychiatry, 18(1), 31.
McConnell, A. R., et al. (2011). Friends with benefits: On the positive consequences of pet ownership. Journal of Personality and Social Psychology, 101(6), 1239-1252.
National Institutes of Health, U.S. Department of Health and Human Services. (2018, February). The Power of Pets. News in Health. https://newsinhealth.nih.gov/2018/02/power-pets#:~:text=Interacting%20with%20animals%20has%20been,support%2C%20and%20boost%20your%20mood.
Odendaal, J. S., & Meintjes, R. A. (2003). Neurophysiological correlates of affiliative behaviour between humans and dogs. Veterinary Journal, 165(3), 296-301.

chat chat