Recharge Radio
Mula ng Pebrero 2022, ang Recharge Radio ay ipinapalabas sa Zoom ng 9-10pm tuwing Linggo upang itaguyod ang mental health ng mga MDWs.
Ang Recharge Radio ay nanggaling sa isang Arts for Wellness Workshops. Noong COVID-19, may panahon na kinailangan ng karamihang MDW manatili sa bahay ng mga employers nila kahit day off nila. Karamihan sa kanila ay nakaramdam ng loneliness, lungkot at kaba. Para solusyunan itong problema, si Prof. Emily Cheng at ang mga peer leaders na sumali sa Arts for Wellness train-the-trainer programme ay binuo ang Recharge Radio.
Ang Recharge Radio ay isang online radyo na ganap sa Zoom or Facebook Live, na hosted ng isa o dalawang trained Dream Catchers sa bawat pagkakataon. Ang radyo ay ginaganap ng 9-10pm tuwing Linggo at iniimbitahan ang lahat ng mga MDWs sumali. Ang host ay magpapatugtog ng mga kantang sikat sa mga MDWs, makikipagkwentuhan, at magbabahagi tungkol sa mental health.
Kung unang beses ninyong sumali, mag-register sa Recharge Radio registration !