Lahat tayo ay may Mental Health na binubuo ng ating mga paniniwala, kaisipan, damdamin at ugali. Para sa mas detalyadong impormasyon, paki-tingnan ang link na ito: Ano ang Mental Health”?
Nandito kami para sa iyo
Ano ang Mental Health?
Maiiwasan mo ba ang mga problema sa pag-iisip?
Lahat tayo ay maaaring makaranas ng problema sa pag-iisip, ngunit ang pagbubuo ng ating katatagan, at paghihingi ng tulong nang maaga ay makakatulong upang maiwasang lumala ang sitwasyon.
Nagagamot ba ang mga problema sa pag-iisip?
Madalas mas makakatohanan at mas makakatulong na alamin muna kung ano ang hinaharap mong kondisyon atsaka maghanap ng tamang tulong para sa iyong kalagayan. Ang pakikipag-usap sa mga pinagtitiwalang tao, pagpunta sa counselling, pag-inom ng gamot, mabuting mga kaibigan, ehersisyo, maayos na pagtulog at pagkain, at makabuluhang trabaho ay nakakatulong.
Ano ang gagawin ko kung hindi epektibo ang suporta sa akin?
Maaaring matagal mahanap ang pinakaepektibong tulong para sa iyo. Puwedeng hindi nakakatulong sa iyo ang epektibo para sa iba o ang kabaligtaran. Mahalagang maging bukas sa iba’t ibang paraan at ipagpatuloy ang paghahanap ng tulong, at ang huwag mawalan ng pag-asa. Pag nahihirapan kayo o hindi niyo alam ano susunod na gagawin, huwag mahiyang kausapin ang mga trained naming volunteers.
Ano ang mga sanhi ng mga problema sa pag-iisip?
Ang mga hamon o problema sa ating Mental Health ay maaaring mula sa mga isyung sikolohikal, biological, panlipunan, pati na rin ang mga kaganapan sa buhay.
Ano ang gagawin ko kung nag-aalala ako sa Mental Health ko?
Napakaimportanteng makipagusap sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. Maaaring ito ay isang kaibigan, kasamahan sa trabaho, miyembro ng pamilya, mentor o iyong doktor. Kung wala kang mahanap na makausap, wag mahiyang kausapin ang mga trained naming volunteers o ibang hotlines na tumutulong sa mga problema sa mental health. Bago ka makipagusap sa iba, kung may oras, maaaring kang kumuha ng self-assessment test tungkol sa iyong nararanasan. Ang mga resulta ay maaaring makatulong padaliin ang pag-uusap tungkol sa iyong nararanasan, at simulan ang iyong paghingi ng tulong.
Ano ang dapat kong gawin kung nag-aalala ako sa aking kaibigan o kamag-anak?
Ito ay depende sa relasyon ninyo sa kanila at sa kapasidad ninyong tumulong. Mabuting simula ang dahan-dahang panghihikayat sa kanila na humingi ng nararapat na tulong.