Karaniwang problema ng mga migrant domestic workers na nagtratrabaho sa ibang bansa ang pananatiling konektado sa kanilang pamilya at mga minamahal, lalo na tuwing may emergency o kalamidad. Dahil malayo sa sariling bayan, mahirap magbigay ng suporta o tulong kaagad at bukod pa roon, nakababalisa kasi tila wala kang masyadong magawa para makatulong sa kanila.
Kung nag-aalala ka tungkol sa pananatili ng komunikasyon sa iyong mga minamahal tuwing mga emergency o kalamidad, maaaring makatulong sa iyo ang mga payong ito:
1. Gumawa ng plano para sa komunikasyon: Gumawa ng plano kung paano kayo mag-uusap ng mga minamahal ninyo kung may mangyaring emergency o kalamidad. Kasama na dito ang pagtakda ng isang kamag-anak o kaibigan na magiging point of contact. Pag-usapan nang maaga kung paano kayo makikipagugnayan kung mawala ang phone o internet service.
2. Gumamit ng teknolohiya: Maraming puwedeng gamiting teknolohiya para makipag-usap sa iyong mga minamahal kahit malayo ka. Mayroong mga messaging apps, social media platforms o video conferencing tools para makausap at makita ang iyong pamilya at magbigay ng mga update sa iyong sitwasyon.
3. Humingi ng suporta sa iyong employer o sa iyong lokal na komunidad: Kung ikaw ay nahihirapan o may pag-aalinlangan kung paano ka mananatiling konektado sa iyong mga minamahal tuwing may emergency o kalamidad, huwag mahiyang humingi ng tulong. Ang iyong employer o mga lokal na organisasyon ay maaaring magbigay ng gabay para mapanatili ang komunikasyon ninyo sa iyong mga minamahal at maaaring matulungan rin nila kayong makayanan ang emosyonal na epekto na dala ng sitwasyon.
Ang pagiging konektado sa iyong mga minamahal tuwing may emergency o kalamidad ay maaaring maging mahirap, ngunit importanteng unahin ang komuninikasyon at suporta kung pwepwede. Sa paggawa ng plano para sa komunikasyon, paggamit ng teknolohiya, at paghihingi ng suporta sa iyong employer o lokal na komunidad, malaking tulog ang maidudulot nito sa iyong mahirap na sitwasyon at mas madadalian kang suportahan ang pangangailangan ng inyong mga minamahal.