Ang pagpokus sa ating intensyon o layunin sa buhay ang makakatulong sa atin harapin ang pagkabalisa. Pagtatanong ng “Ano ang ibig sabihin ng aking buhay?” o “Ano ang gusto kong maabot sa aking buhay?” ay makakatulong sa atin magkaroon ng bagong pananaw o paraan nag pag-iisip tungkol sa ating mga karanasan. Makakatulong ito para makahanap tayo ng bagong layunin o purpose. Kapag alam natin ang ating sariling values at paniniwala, magagamit natin ang kaalamang ito para gumawa ng mas makabuluhang desisyon.
Ang pagkakaroon ng sense of purpose ay nagbibigay ng direksyon at intensyon sa ating buhay na makakatulong sa atin mas maging fulfilled o kuntento. Ikalawa, ang pagkakaroon ng sense of purpose ay makakatulong sa’tin mag-prioritize ng ating goals at values para ang mga desisyon natin ay sang-ayon sa ating priorities. Makakatulong ito sa atin na maging empowered at in control sa ating buhay. Sa wakas, ang pagkakaroon ng sense of purpose ay makakatulong sa atin mahanap ang ibig sabihin o layunin ng mga pagsubok at mahihirap na karanasan at dahil dito, makakatulong ito para maharap natin ang ating pagkabalisa at para lumakas ang ating loob.