“Okay lang Maging Hindi Okay” ay magandang kasabihan na nagpapaalala sa’tin na natural at normal lamang na makaramdam ng malawak na uri ng emosyon at pagsubok sa buhay. Mahalgang tandaan natin na lahat tayo ay humaharap ng pagsubok o pagkabigo paminsan-minsan at okay lang na hindi tayo palaging okay.
Ang pagtanggap sa ating kasulukuyang estado ng pag-iisip at emosyon ay mahalaga sa pagpapabuti ng ating mental well-being. Kung ibabaon natin o hindi papansinin ang ating emosyon, maaaring mas lumala ang ating pakiramdam at magkaroon pa nga tayo ng mga pisikal na sintomas tulad ng sakit sa ulo o pagod. Sa kabila naman, kung tanggapin natin ang ating mga emosyon, makakatulong ito sa’tin na maproseso ang ating pinagdadaanan sa mas mabuting paraan.
Mahalaga ding tandaan na ang paghingi ng tulong ay isang senyales ng lakas at hindi kahinaan. Kung nahihirapan ka sa iyong mental health, maraming available na tulong tulad ng therapy, support groups, at mga hotline. Hindi mo kailangang mag-isa sa iyong pinagdadaanan. I-click ang “Chat with us” at sasagot ang aming mga volunteers na kapwa migrant domesitc worker na handang makinig at magbigay suporta sa iyo.
Kaya sa susunod na mabigat ang iyong pakiramdam, tandaan na okay lang maging hindi okay. Ang pagtanggap sa ating nararamdaman at paghingi ng tulong kapag kailangan natin ay mahalaga para mapabuti ang ating mental well-being.