Ang pagkamatay ng minamahal sa buhay ay hindi kailanmang naging madali, ngunit ito ay mas mahirap lalo na para sa migranteng domestic workers na malayo sa kanilang pamilya at bayan. Kung ikaw ay nakaranas ng pagkamatay ng kakilala o kamag-anak at hindi ka naroroon sa huling sandali nila, hindi ka nag-iisa at maraming paraan para makayanan ang kanilang pagkawala.
Ang unang maaaring gawin ay paghingi ng suporta mula sa iyong kaibigan, katrabaho o counsellor. Ang pagbabahagi ng iyong nararamdaman at saloobin ay puwedeng makatulong sa iyong kalungkutan at para maramdamam mo na hindi ka nag-iisa sa iyong nararanasan. Ikaw din ay maaaring makipag-usap sa mga support groups or online forums para sa migrant workers na parehas din ang nararanasan.
Isa pang paraan ay ang paghahanap ng mga gawain na pwedeng gunitain ang buhay ng iyong minamahal. Maaaring kasama dito ang pagsindi ng kandila, paggawa ng photo album o memory box, o ang pagsulat ng liham tungkol sa iyong damdamin at saloobin. Sa paggunita at pag-aalala ng iyong minamahal, mararamdaman mo ang koneksyon at pagkalapit sa kanila kahit ikaw ay malayo.
Importante din algaan ang iyong sarili sa ganitong mahirap na panahon. Kasama dito ang pagkakaroon ng sapat na pahinga, pagkain ng masustansyang pagkain at pagsali sa mga actibidad na nagbibigay ng ginhawa at aliw. Sa pag-aalaga ng iyong pisikal at emosyonal na pangangailangan, ikaw ay maaaring maging mas matatag at handa para harapin ang mga hamon ng pagkamatay ng iyong minamahal.