Pagpapawi ng Stress Mula sa Trabaho - CUHK MDW

What are you looking for ?

Pagpapawi ng Stress Mula sa Trabaho

14 May, 2024

Kwento ni Laurence: Pagbawas ng stress sa trabaho

Ang mga migrant domestic workers (MDWs) na na-iistress sa trabaho dahil sa mga demanding na amo o mga hadlang sa wika ay maaaring makaramdam ng iba’t ibang emosyon katulad ng pagkabalisa, pagkainis at pag-iisa. Maaari din nilang maramdamang wala na silang magagawa at walang makakatulong sa kanila, lalo na at nasa ibang bansa sila nang walang mabuting social network o legal na proteksyon.

 

Maraming puwedeng gawin para mabawasan ang stress sa trabaho. Una, importanteng alamin ng mga migrant domestic workers ang kanilang mga legal na karapatan at proteksyon. Maaaring maghanap ng mga impormasyon tungkol sa labor law at mga regulasyon, pati na rin ang paraan ng pag-uulat ng pang-aabuso o pagsasamantala.

 

Pangalawa, ang mga hadlang sa wika ay masosolusyunan ng mga training o klase at paggamit ng mga serbisyo ng pagsasalin o pag-translate. Ang pagkakaroon ng suporta sa wika ay maaaring makatulong sa mga MDWs na makipag-usap nang mas maayos sa kanilang mga amo at mabawasan ang mga hindi pagkakaunawaan na maaaring magdala ng stress.

 

Pangatlo, ang pakikipag-ugnayan sa mga organisasyon sa komunidad o mga support groups para sa mga aktibidad ay isa ring mahusay na paraan para makahanap ng mga kaibigan na pareho ang karanasan at para makakuha ng emosyonal na suporta.

 

I-click ang “Makipag-chat sa amin” kung gusto mong malaman ang iba pang mga paraan kung paano harapin ang stress sa trabaho.

chat chat