Ang pagiging matatag ay kakayanan ng isang tao na makabangon mula sa mga pagsubok at magpatuloy. Mahalagang katangian ito para sa ating mental health kasi nakakatulong ito sa ating pag-cope sa stress at malampasan ang mga pagsubok natin.
Nakakatulong ang pagiging matatag para mas mabuti ang pag-handle natin sa stress at binibigyan tayo niyo ng mga tools para kaya nating i-manage ang ating mga emosyon at para makapokus tayo sa paghahanap ng solusyon sa mga problema kaysa sa mabahala tayo sa sitwasyon.
Nakakatulong din ang pagiging matatag sa pagpapabuti ng ating relasyon sa iba. Kapag kaya nating i-handle ang stress at malampasan ang mga pagsubok, kaya nating maging supportive sa iba at magkakaroon tayo ng mas malalim na koneksyon sa kanila.
Kaya, paano tayo magiging matatag?
Ang pag-aalaga sa sarili ay makakatulong sa atin maging matatag dahil magkakaroon tayo ng pisikal na lakas at lakas ng loob para malampasan ang ating mga pagsubok. Kasama dito ang sapat na tulog, pagkain ng masustansyang diet, at pagsali sa mga activity na hilig natin.
Ang pagkakaroon ng positibong mindset ay makakatulong din sa ating maging optimistic sa harap ng mga pagsubok. Puwede tayong mag-practice ng pasasalamat, mag-focus sa ating strengths, at pag-reframe ng mga negatibong thoughts para maging positibo.
Ang pagkakaroon ng mga kaibigan at pamilya na supportive ay makakatulong din sa atin maging matatag dahil sa emosyonal na suporta at praktikal na tulong na mabibigay nila tuwing kailanganin natin.
Kaysa mapanghinaan tayo ng loob sa pagkabigo, puwede nating gamitin ang mga ito bilang mga pagkakataon para matuto. Kasama dito ang pagninilay sa mga natutunan natin mula sa mga napagdaanan nating pagsubok para alam na natin ang gagawin sa susunod.
Kapag ginawa natin ang mga strategy na ito para maging matatag, maaari nating mas mapabuti ang ating mental health at mas makakayanan nating i-handle ang anumang pagsubok na haharapin natin susunod.