Ano ang pagkabalisa? - CUHK MDW

What are you looking for ?

Ano ang pagkabalisa?

Ang Pagkabalisa ay ang pakiramdam ng nerbiyos, takot o pag-aalala na maaring katamtaman lamang o malala. Lahat tayo ay nakakaranas ng pakiramdam ng pagkabalisa sa ating buhay. Halimbawa, maaaring nag-aalala o balisa ka para sa isang panayam o sa pagsisimula sa bagong trabaho.

Masama ba ang Pagkabalisa?

Kapag ang tindi ng pagkabalisa ay nasa abot ng ating kakayanan, makakatulong ito sa atin upang mapansin ang mga panganib, mag-ingat, at maging organisado at handa. Ngunit kung ang pagkabalisa ay paulit-ulit na nangyayari at nakakaapekto na ito sa iyong pang araw-araw na pamumuhay, kumilos agad bago pag ito lumala. Subukang makipag-usap sa mga pinagkakatiwalaang kaibigan o sa mga support groups kung ang iyong pagiging balisa ay nakakaapekto na sa araw-araw na pamumuhay o kung nababagabag ka nito.

chat chat