Home - CUHK MDW - Page 6

What are you looking for ?

Sumusuporta sa mga susunod na migranteng domestic worker peer leaders para sa pagpapabuti ng mental health
Tungkol sa Amin

MDW Recharge Hub

Mabuhay, ito ang MDW Recharge Hub! Ito’y isang online hub gawa ng CUHK researchers at migrant domestic workers (MDWs) para paunlarin ang mental health o kalusugang pangkaisipan ng mga MDW. Ginawa ang website na ito para maging updated ang mga MDW tungkol sa pangangalaga ng mental health nila at ng iba, maging mas madaling hanapin ang mga tulong at aktibidad tungkol sa mental health mula sa komunidad, at para ma-recharge ang mental power ng mga MDW sa iba’t ibang peer support na mga aktibidad. Ang proyekto ay unang pinondohan ng Knowledge Transfer Project Fund (KPF) ng CUHK at kasalukuyang sinusuportahan ng Mental Health Initiative Funding Scheme Phase II.

Kilalanin ang Aming Grupo
0

Isinagawang Training

0 Kalahok
0

Isinagawang Events

Kailangan namin ang tulong mo…

Magboluntaryo

Kailangan namin ng tulong para gumawa ng content para sa website, mag-promote at tumulong sa mga outreach activities, at mag-translate ng mga English content sa Tagalog o Bahasa Indonesia, at kabaligtaran. Kung interesado ka, mangyaring mag-register.

Magboluntaryo
Patalasin ang Pag-iisip at Matuto

Matuto at Makakuha ng Certificate

01

Mag-register

02

Manuod at Matuto

03

Makakuha ng Certificate

Magsimula Dito
Kilalanin ang Sarili

Self-Assessment Tools

Kumuha ng maikling test para makahanap ng akmang tulong

Magsimula Dito
Mental Health

Ano ang mental health?

Ang terminong “kalusugang pangkaisipan” o “mental health” ay karaniwang ginagamit sa ating pang-araw-araw na pag-uusap. Karaniwan, ang termino ay binibigyang kahulugan bilang hindi dumaranas ng anumang sakit sa pag-iisip. Gayunpaman , natuklasan ng pananaliksik na karaniwan para sa mga tao na makaranas ng mahinang kalusugan ng isip (hal., pagiging malungkot, balisa, o stressed) paminsan-minsan ngunit hindi na-da-diagnose na may sakit sa pag-iisip. Maaaring malampasan ang mga ito sa pamamagitan ng mga aktibidad sa pangangalaga sa sarili at pagkuha ng emosyonal na suporta mula sa iyong mga pinagkakatiwalaan. Hindi ito nangangailangan ng medikal o psychiatric na paggamot.
Read More

Ang aming mga Partner

@MDWRECHARGEHUB

i-Follow sa Instagram

chat chat