Mabuhay, ito ang MDW Recharge Hub! Ito’y isang online hub gawa ng CUHK researchers at migrant domestic workers (MDWs) para paunlarin ang mental health ng mga MDWs.
Itong website ay dinesenyo upang maging updated ang mga MDWs sa kaalaman tungkol sa pangangalaga ng sariling mental health at sa mental health ng iba, makatulong na mas madaling hanapin ang mga resources na pang komunidad at mga aktibidad tungkol sa mental health ng mga MDWs, at madagdagan ang mental power ng mga MDWs sa paraan ng iba’t ibang peer support activities.
Sakop ng hub na ito mula sa mga mental illness hanggang mental wellness. Ibig sabihin, ang aming supporta ay hindi lang para sa mga nahihirapan sa mga mental disturbances ngunit ito din ay para sa mga gustong maipursigi ang mas malalim na mental wellness at flourishing. Ang aming paraan ay samantalahin ang mga kasalukuyang online peer support networks ng mga MDWs. Sa pakikipagusap at pagsuporta sa mga MDW peer leaders, kami ay umaasa na magdadala ito ng pagbabago sa komunidad tungkol sa kahalagahan ng mental health at sa pagiging matapang na humingi ng tulong.
Pinapahalagahan ng aming team ang social inclusion at cultural diversity. Kami ay handang makinig, makisama at suportahan ang isa’t isa. Itong proyekto ay unang pinonduhan ng Knowledge Transfer Project Fund (KPF) ng CUHK at kasalukuyang sinusuportahan ng Mental Health Initiative Funding Scheme Phase II.