Bibliya (Bible) by Lhennie C. Ignas
Sa panahong maraming pagsubok at buhay ay unti ng nalulugmok.
Wala nang sasakit pa kung isa sa pinakamamahal ay tuluyang mawala.

Minsan sa aking buhay naranasang piliing bumigay.
Ginusto’y wakasan, hininga’y gusto ng bitawan.
Mga paa’y palubog na, sa kumunoy ng sakit ay di makawala.
Wala nang nais kundi mawala, pamilya’y gusto pang isama.
Isamang bumitaw dahil sa Maylikha nawalan na ng tiwala.

Araw-araw kong tanong, bakit wala sa akin ang may tugon?
Bakit sa pamilya ko pa, sakit ng pagsubok ay inadya?
Naging Mabuti naman akong tao.
Sa Diyos aking pagsamo.
Ngunit bakit sa huli, ako at pamilya ko parin ang syang nagdadalamhati.

Sa dulo ng pisi, sa bingit ng tuluyang pagkagapi.
Isang banal na aklat, syang sa akin ay nagpamulat.
Di namalayan laman ay napagtuunan habang ito’y hawak.
Mga salita’y taimtim na binasa at ito’y pinagnilayan.
Napagtanto kong bigat at dilim sa puso ko’y napapawi narin.

Mga bersikulo at kabanata, banal na mga salita.
Tuluyang nagpalaya sa tanikalang sa buhay ko’y siyang nagparusa.
Sadyang makapangyarihan ang Maylalang.
Kailangan lang manalangin, manampalataya at maniwala.
Ibigay sa Kanya ang papuri, hingin ang tulong at patnubay kapag ang lahat ay dina mawari.

Alam kong marami pang pagsubok, sa buhay ko’y maari pang tumupok
Datapwat di na hahayaang sarili’y maging marupok.
Sapagkat nanampalataya ako’t naniniwalang Panginoon kailanman ako’y laging itatayo at di ilulugmok.
About the Poem: "This is the experience of a father who was filled with grief, anger and almost darkened his outlook on life and lost faith in God due to the loss of child at the same time as all the remaining children were sick. I was one of the children who got sick. I witnessed how my father grieved and begun to question God why everything happened even though he was good as a person. And how he became aware and rose again because of a bible. This became his shield and focused his attention for regain faith in God and overcome the pain of the trials that out family faced."
Share: