Ang aming mga Tagapayo

* Tandaan: Pinagsunod-sunod ayon sa alpabetikong pagkakasunud-sunod ng unang pangalan.
Si Carol ay ang Deputy CEO ng Mind HK. Nasa Mind HK na siya mula noong 2017, nangunguna sa diskarte sa komunikasyon, mga kampanya, digital na nilalaman, at mga relasyon sa labas ng organisasyon. Si Carol ay may karanasan sa pagsulong ng kalusugan, pagpapayo sa kalusugan ng isip, at pagbuo ng mga programa sa pampublikong kalusugan. Siya ay mayroong undergraduate degree sa Sociology and Medical Humanities mula sa Boston College, isang Master of Public Health mula sa Columbia University, at isang Master of Counseling mula sa Monash University. Siya ay isang tagapayo sa kalusugan ng isip, pangunahin na nagtatrabaho sa mga kabataan. Si Carol ay miyembro din ng Laureus Model City Hong Kong Steering Committee, isang mentor para sa Resolve's 2022-2023 Fellowship, at isang miyembro ng Global Shapers Hong Kong hub. Siya ay madamdamin tungkol sa kalusugan ng publiko, pagkukuwento, at pagbabago ng mga saloobin patungo sa kalusugan ng isip.
Carol Liang
Si Christine ay isang Pilipinong manunulat, mananaliksik, at gumagawa ng pelikula na lumaki sa Hong Kong. Sa gitna ng kanyang interdisciplinary na pananaliksik at praktika ay nakasalalay ang isang mas malawak na interes sa ugnayan sa pagitan ng memorya, migration, at "post"/anti-/decoloniality sa konteksto ng Hong Kong at Southeast Asia, partikular sa Pilipinas. Ang kanyang pagsulat ay nai-publish sa Kritika Kultura, Voice & Verse, Spill Stories, at Verge: Studies in Global Asias.
Christine Vicera
Si Jeffry Oktavianus ay isang Postdoctoral Fellow sa Centre of Communication Research sa City University of Hong Kong (CityU). Siya ay merong doctoral degree sa Media and Communications galing sa CityU. Marami siyang karanasan bilang isang mamamahayag at bilang isang account executive sa isang grupo ng media sa Indonesia.
Jeffry Oktavianus
Si Myles ay ang Co-Founder at Chief Operating Officer ng Helpbridge, isang plataporma na mobile application na nagbabahagi ng mga impormasyon para sa mga migrant domestic workers sa Hong Kong. Puno ng impormasyon tungkol sa mga karapatang pang legal, kaalaman tungkol sa pera, mga lokal na kaalaman, at tungkol sa pangkalusugang pisikal at kaisipan, itong plataporma na ito ay nagaalok ng isang digital na pamayanan para sa mga migrant domestic workers para tulungan ang isa’t isa.
Myles Ng
Si Nathalia ay isang educational-development psychologist at isang certified na nagsasanay na tagapayo (Psychotherapy and Counselling Federation of Australia). Siya ay sanay makipag trabaho sa mga indibidwal at mga grupo ng mga bata at matatanda na may iba’t ibang hanay ng kahirapan tulad ng mababang mood, depresyon, pagkabalisa, stress tungkol sa trabaho, pangungulila at pagkawala, problema sa mga relasyon, at PTSD.
Nathalia Widjiajia